Umaasa si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na makatulong sa pagpapataas ng farmgate price ng baboy ang ipatutupad na pork safeguard measures ng pamahalaan, partikular ang 60-day temporary ban sa pag-aangkat ng imported pork.
Ayon sa kalihim, target nilang tumaas ng hindi bababa sa ₱50 ang farmgate price ng baboy mula sa kasalukuyang average na ₱140 hanggang ₱150 kada kilo.
Tiniyak din ni Sec. Tiu Laurel na flexible ang 60-day ban at maaari pa itong palawigin depende sa pangangailangan ng sektor, partikular sa aktwal na galaw ng farmgate prices.
Samantala, hinihintay pa ng Department of Agriculture ang assessment at desisyon ng Tariff Commission kaugnay ng kahilingan nitong ibalik sa dating antas ang taripa sa imported pork.
Ayon sa kalihim, isinasailalim pa sa proseso ang naturang panukala, kabilang ang public consultation na inaasahang bahagi ng pagtalakay ngayong Nobyembre.