Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng UPLIFT cash aid na gamitin ang ayuda sa mga pangunahing pangangailangan.
Kasunod ito ng pagkalat ng mga social media post na nagpapakita ng ilang benepisyaryo na bumibili ng gadgets gamit ang natanggap na ayuda.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, nakalaan ang cash assistance para sa pang-araw-araw na gastusin ng mga pamilyang apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina.
Hinimok din niya ang publiko na maging responsable at huwag gawing katatawanan o social media content ang programa.
Nagbabala rin si Dumlao laban sa mga scammer na humihingi ng processing fee o OTP kapalit ng ipinangakong ayuda.