Photo courtesy of National Police Commission (NAPOLCOM)
Kabuuang 175 Police Commissioned Officers ang nakapasa sa Police Executive Service Eligibility (PESE) assessment ng National Police Commission (NAPOLCOM), mula sa 259 na sumailalim sa validation interview.
Katumbas ito ng 68% ng mga kandidatong sumailalim sa pagsusuri noong August 29 hanggang September 16, 2026.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan,ang PESE ay kinakailangang kwalipikasyon para sa pagtalaga sa third-level ranks ng Philippine National Police, mula Police Colonel hanggang Police General.
Layunin ng programa na matiyak ang kakayahan, integridad, at pamumuno ng mga opisyal na kakandidato sa matataas na posisyon sa PNP.
Hindi pa inilalabas ng NAPOLCOM ang petsa at lugar ng paggawad ng PESE certificates.