Photo courtesy of Philippine National Police (PNP)
Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga magulang, paaralan at komunidad na paigtingin ang pagbabantay sa kabataan laban sa nihilistic violent extremism.
Ayon kay Remulla, hindi sapat ang pagpapatupad ng batas at regulasyon sa internet upang labanan ang banta ng violent extremism.
Batay sa mga imbestigasyon, ginagamit umano ng mga extremist ang social media at online gaming platforms gaya ng Roblox upang maabot at mahikayat ang mga kabataan.
Dahil dito, binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng paggabay ng mga magulang at regular na pagtalakay sa mga bata tungkol sa kanilang online activities.
Samantala, lumagda na rin ang DILG at Department of Education sa isang kasunduan para palakasin ang seguridad ng mga estudyante, kabilang ang pagtalaga ng mga barangay tanod sa mga paaralan.