Mahigit 13-milyong residente sa insurgency-cleared barangays ang nakinabang sa mahigit ₱28-bilyong halaga ng mga proyektong pang-imprastraktura mula 2022 hanggang 2026.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), nasa 6,900 proyekto ang inilunsad sa ilalim ng Support to the Barangay Development Program sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang dito ang mga farm-to-market road, silid-aralan, barangay health station, water supply at sanitation system, at electrification projects.
Sa kabuuang bilang, 4,831 proyekto na ang natapos, 411 ang ongoing, 242 ang nasa procurement stage, at 1,401 ang nasa pre-procurement stage.
Kabilang sa mga natapos ang 858 kilometrong farm-to-market roads, 689 classrooms, 405 barangay health stations at 689 water, at sanitation systems.
Patuloy pang ipatutupad ng DILG ang programa upang mapalakas ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at imprastraktura sa mga komunidad na dating apektado ng armed conflict.