Kinumpirma ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang kanyang planong pagdalo sa 49th ASEAN Summit at pati na rin sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa China.
Ipinabatid ni Takaichi ang planong ito sa isang executive meeting ng naghaharing Liberal Democratic Party.
Sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, dadaluhan ni Takaichi ang isang summit sa ilalim ng Tokyo-led Asia Zero Emission Community framework, isang hakbang para sa decarbonization na kinabibilangan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at iba pa.
Inaasahan din na magkakaroon ng pagpupulong sa Pilipinas ang mga lider ng tinatawag na Quad countries—ang Japan, Estados Unidos, Australia, at India.
Ito ang magiging unang pagtitipon nila sa panahon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump na nagsimula noong January 2025.
Nilalayon din ni Takaichi ang isang bilateral meeting kay US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa bansa.
Bukod dito, nakatakdang gawin ng Punong Ministro ng Japan ang kanyang unang pagbisita sa China simula nang maupo sa puwesto noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sa gitna ng tensyonadong relasyon ng Japan at China, nakasentro ang atensyon kung magkakaroon ba sila ng pagpupulong ni Chinese President Xi Jinping, na siyang mangunguna sa APEC summit.