Photo courtesy of Philippine National Police (PNP)
Target ng Philippine National Police (PNP) na maaresto ang nasa 300,000 na wanted persons sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., na sa nagdaang 14 na buwan ay aabot sa 200,000 na wanted persons ang kanilang naaresto.
Nais nilang tuluyang maging zero ang database ng mga wanted person.
Para maisakatuparan ito ay dinoble pa ng PNP ang kanilang operations, intelligence gathering, at koordinasyon sa ilang law enforcement agencies.
Giit ni Nartatez, hindi lamang sila dapat makuntento sa pagbawas ng backlogs dahil ang target nila ay wala ng backlogs.
Sa kada buwan aniya ay mayroong 14,000 na warrant of arrest ang kanilang naisisilbi.
Nagpapakita lamang ito na walang tigil ang kapulisan sa pagtugis sa mga may pananagutan sa batas.