Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na bawal ikulong sa mga adult jail ang mga menor de edad na nasasangkot sa krimen.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2026-066, dapat dalhin ang mga ito sa Bahay Pag-Asa o iba pang angkop na pasilidad.
Inatasan din ang mga LGU na tiyaking may pasilidad para sa pansamantalang kustodiya at rehabilitasyon ng mga menor de edad.
Ang mga LGU na walang Bahay Pag-Asa ay dapat makipagkasundo sa mga kalapit na lugar na may ganitong pasilidad.
Ayon sa DILG, dapat mapanagot ang mga batang lumalabag sa batas nang hindi isinasakripisyo ang kanilang kaligtasan at karapatan.