Photo courtesy of Department of Transportation
Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na palalakasin ang clearing operations sa mga footbridge at sidewalk na dinaraanan ng mga commuter patungo sa Metro Rail Transit (MRT) at EDSA Busway stations.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, aalisin ang mga vendor at iba pang sagabal na nakahahadlang sa daloy ng mga pasahero.
Makikipagtulungan ang DOTr sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis at maluwag ang mga daanan.
Kaugnay nito, hiniling na rin ni Dizon sa MMDA na ilipat sa DOTr ang pamamahala sa mga footbridge na patungo sa MRT at EDSA Busway stations.
Layunin nitong magkaroon ng iisang ahensiyang mananagot sa pangangalaga at paglilinis ng mga naturang pasilidad.