Posibleng umabot pa hanggang hangang lampas ng Christmas break ang ipaglilitis ni Vice President Sara DUterte.
Sa isang panayam kay House Prosecutor at Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno.. tumanggi itong magbigay ng tiyak na petsa kung matatapos na ang kaso bago mag-Pasko.
Ang pahayag ni Diokno ay kasunod ng pagsisiwalat ni defense lawyer Justin Gular na mayroon pang lima hanggang walong testigo na posibleng iprisinta ang kampo ng depensa, kaya’t maaaring mangailangan pa ng karagdagang araw ng pagdinig lampas sa nakatakdang iskedyul sa December 1 hanggang 4.
Nauna na ring binanggit ni impeachment court spokesperson Reginald Tongol na posibleng umabot sa Christmas break ang paglilitis depende sa dami ng natitirang testimonya.
Tiniyak naman ni Diokno na nakahanda ang prosekusyon na harapin ang mga testigo ng depensa sa muling pagbubukas ng pagdinig sa Disyembre 1 at umaasang darating ang lahat nilang testigo.
Sa kasalukuyan, kailangan pang tapusin ng korte ang presentasyon ng depensa, resolbahin ang mga usapin sa ebidensya,tanggapin ang pormal na mosyon ng magkabilang panig, at timbangin ang natitirang reklamo sa ilalim ng Article II bago maglabas ng hatol. | ulat ni Melany Reyes