Pormal nang itinalaga si Philippine Ambassador Jaime FlorCruz bilang non-resident ambassador ng Pilipinas sa North Korea matapos niyang iharap ang kanyang Letters of Credence kay North Korean leader Kim Jong Un sa Pyongyang nitong November 22, 2026.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit 30 taon na personal na tinanggap ng pinakamataas na lider ng North Korea ang kredensyal ng mga dayuhang ambassador, at ang kauna-unahan sa ilalim ng lider mula nang maupo siya noong 2011.
Kasama ni FlorCruz ang siyam pang bagong talagang ambassador, kung saan hiniling naman ng North Korean leader na isulong ang tiwala at pagkakaibigan ng kanilang mga bansa.
Nakipagpulong din si FlorCruz kina Vice Foreign Minister Pak Sang Gil at Southeast Asian Affairs Director-General Kang Sung Ryong upang talakayin ang ugnayang Pilipinas at North Korea.
Binigyang-diin ni FlorCruz na mahalaga sa Pilipinas ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon, kabilang ang Korean Peninsula, habang patuloy na pinatatatag ang relasyon ng dalawang bansa kasunod ng ika-25 anibersaryo ng kanilang diplomatikong ugnayan noong 2025.