Photo courtesy of Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Pasok ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa inaugural list ng TIME Magazine para sa World’s Best Major Airports of 2027.
Nasa ika-47 pwesto ang NAIA sa mga pangunahing paliparan sa mundo at nakapagtala ng score na 74.46.
Sinuri ang ranking ng mga airport batay sa apat na size classifications: major, large, mid-sized at smaller.
Isinaalang-alang ang mga resulta ng magkakahiwalay na satisfaction surveys sa nakalipas na tatlong taon, gayundin ang flight performance records mula sa 30 million flights sa pagitan ng July 2025 at June 2026.
Welcome naman sa New NAIA Infrastructure Corporation ang pagkakasama ng NAIA sa ranking at itinuturing itong senyales ng patuloy na rehabilitasyon sa paliparan.