Photo courtesy of PRIB/ Senate
Nagbabala si House prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno laban sa umano’y sadyang pagpapakalat ng disinformation upang ilihis ang atensyon ng publiko sa mahahalagang usapin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Diokno na dapat nakatuon ang paglilitis sa tatlong pangunahing tanong: kung may mga ari-ariang hindi idineklara ang Bise Presidente sa kanyang SAL-N, kung lumahok siya sa negosyo habang nanunungkulan at kung nakapagkamal siya ng yaman na hindi katumbas ng kanyang legal na kita.
Kabilang dito ang ₱817.87 milyong umano’y unexplained wealth at undeclared assets na natukoy sa forensic accounting findings mula 2022 hanggang 2025.
Ayon kay Diokno, dapat nakabatay sa mga dokumento at ebidensyang inihaharap sa impeachment court ang pagsusuri sa mga alegasyon at hindi sa mga naratibong pampulitika.
“And even the deliberate disinformation that’s happening…I think the best way to do it is to stick to what the issues are and to compare those issues with the evidence that’s being presented,” diin ni Diokno.