Photo courtesy of Department of Labor and Employment (DOLE)
Bibigyang prayoridad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng resolusyon sa isyu ng airline at workers’ union para hindi maantala ang aviation sector sa holiday season.
Una nang naghain ng notice of strike ang AirAsia Philippines Pilots Union dahil sa desisyon ng AirAsia na retrenchment o tanggalin sa trabaho ang 90 piloto.
Depensa naman ng AirAsia Philippines, ang workforce reduction ay dahil sa pagtaas ng presyo ng jet fuel at hindi magandang foreign exchange rates.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, pupulungin niya ngayong araw ang airline management at mga kinatawan ng unyon para tugunan ang isyu.
Una na ring bumuo ng task force para tutukan ang sigalot sa pagitan ng dalawang partido.
Samantala, pinag-aaralan ng airline ang mga ruta at flight frequencies para mapanatili ang operasyon.