Umabot na sa 2.2 milyong ektarya ng lupain mula 2022 ang nagbenepisyo sa mga irrigation project ng Marcos Administration.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., batay sa datos hanggang Disyembre 2025, katumbas ito ng mahigit 70% ng kabuuang lawak ng lupang maaaring patubigan sa bansa.
Idinagdag pa ng Pangulo na nasa 54,000 ektarya rin ng irrigation service areas ang sumailalim sa repair at nai-restore kasama na dito ang matagal nang hindi na nag-o-operate.
Kaninang umaga ay pinangunahan ni Pangulong Marcos ang ground breaking ceremony ng 86-million-liter-per-day bulk water supply project sa Barangay Talanghauan, Santa Barbara, Iloilo.
Ang proyekto ay bahagi ng mas malawak na Jalaur River Multi-Purpose Project Stage II na magbibigay ng tubig sa mga palayan at iba pang sakahan.