Natukoy na ng National Irrigation Administration ang halos isang milyong ektaryang karagdagang lupain na posibleng mapatubigan sa bansa.
Sa Saturday News Forum sinabi ni NIA Administrator Eddie Guillen, mahigit tatlong milyong ektarya ang potensyal na patubigan sa buong Pilipinas.
Sa kasalukuyan, nasa 2.2 milyong ektarya pa lamang ang may irigasyon mula sa NIA at iba pang ahensya.
Nadagdagan ang natukoy na potensyal na lugar matapos palawakin ng NIA ang pagsusuri hanggang sa mga lupang may slope na walong porsiyento.
Sinabi ni Guillen,kabilang sa mga solusyong isinusulong ang paggamit ng solar-powered irrigation projects upang mapatubigan maging ang mga sakahang nasa matataas na lugar.
Gayunman, malaking hamon pa rin ang kakulangan ng pondo dahil umaabot sa milyon-milyong piso ang gastos sa pagpapatayo ng irigasyon kada ektarya.