Photo courtesy of LTO
Nagpahayag ng suporta ang Land Transportation Office sa kampanya ng Anti-Red Tape Authority para sa mas mabilis na serbisyo publiko.
Ito ang mensahe ni LTO Chief Noreen Bernadette San Luis sa 2026 Ease of Doing Business Convention kahapon.
Ayon kay San Luis, prayoridad niyang alisin ang LTO sa listahan ng mga ahensyang may pinakamaraming reklamo.
Kabilang sa mga nais niyang pagbutihin ang proseso ng pagkuha ng lisensya at pagpaparehistro ng mga sasakyan.
Isinusulong din ng LTO ang paggamit ng online portals at automated systems upang mapabilis ang mga transaksyon.
Bilang pagkilala, ginawaran ng ARTA ang LTO dahil sa pakikibahagi nito sa mga reporma para sa mas mahusay na serbisyo publiko.