Kumpiyansa pa rin ang mga negosyo sa takbo ng kanilang sariling operasyon, pero mas nag-aalala na sila sa pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya ng bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa Business Expectations Survey ng BSP nitong Oktubre, positibo pa rin ang inaasahan ng mga negosyo sa kanilang aktibidad at mga order, kahit bahagyang humina ang kanilang kumpiyansa kumpara noong nakaraang survey.
Kabilang sa mga dahilan ng kanilan g pag-aalala ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mahal na gasolina at kuryente, paghina ng piso, tensyon sa Middle East, at epekto ng El Niño.
Sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw ng mga negosyo sa susunod na 12 buwan, dahil inaasahan nilang bubuti ang ekonomiya, bababa ang inflation, at lalakas ang demand sa iba’t ibang sektor.
Mas marami rin sa mga negosyo ang nagbabalak na kumuha ng dagdag na empleyado sa susunod na taon.
Patuloy namang minomonitor ng BSP ang mga pagbabago sa ekonomiya at ang epekto nito sa negosyo, paggastos ng mga mamimili at investments, na ginagamit din bilang batayan sa mga desisyon nito sa monetary policy.