Photo courtesy of NCIP
Nagpasalamat si National Commission on Indigenous Peoples Secretary Nancy Catamco sa Senado matapos aprubahan sa plenary deliberations ang panukalang budget ng ahensya para sa 2027.
Pormal itong inaprubahan kahapon, Nobyembre 27.
Pinangunahan ni Catamco ang delegasyon ng NCIP sa deliberasyon kasama ang iba pang opisyal ng komisyon.
Nagpasalamat ang ahensya kay Senador JV Ejercito na tumayong principal sponsor ng panukalang pondo.
Nagpahayag din ito ng pasasalamat kina Senate President Win Gatchalian at iba pang senador na sumuporta sa panukala.
Gagamitin ang pondo upang maipagpatuloy ang mga programa at serbisyong nagtataguyod sa karapatan, kultura at kapakanan ng mga katutubong Pilipino.