Hinimok ng Movie and Television Review and Classification Board ang production team ng Pinoy Big Brother: Collab 3.0 na mag ingat sa mga susunod na episode nito.
Ito ay kasunod ng mahigit 2,900 reklamong natanggap mula sa mga manonood at National Council on Disability Affairs .
Sa ginanap na pagdinig, inilahad ng MTRCB ang mga reklamo sa production team at iniutos ang mas mahigpit na pagsusuri sa mga susunod na episode.
Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, kailangan ang mas maingat na pagtalakay sa mga sensitibong usapin upang hindi na maulit ang kontrobersiya.
Nangako naman ang production team na magsasagawa ng disability sensitivity seminar para sa mga housemate at production staff, alinsunod sa kahilingan ng NCDA.
Karamihan sa mga reklamo ay nagmula sa online livestream ng programa.