Aabot sa humigit kumulang isa’t kalahating tonelada ng Bangus ang naani ng mga partner-beneficiary ng Project LAWA at BINHI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Ayon sa DSWD, ipinakita nito kung paano nagiging karagdagang kita at pagkain ang pag-aalaga ng Bangus mula sa paghahanda hanggang sa pag-aani.
Tinatayang aabot sa Php 233,100 ang halaga ng mga naaning isda na siyang makatutulong sa kabuhayan ng mga benepisyaryo na nakapagpapalakas din sa kakayahan ng mga komunidad.
Sa pamamagitan ng programa, patuloy na pinalalawak ang mga oportunidad sa kabuhayan at seguridad sa pagkain ng mga komunidad.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. palalakasin ng Kagawaran ang kakayahan ng mga pamilyang Pilipino na makaahon at umunlad.