Paiigtingin ng Northern Police District (NPD) ang seguridad upang matiyak ang ligtas at mapayapang paggunita sa Bonifacio Day ngayong araw, November 30.
Tiniyak ni NPD District Director Police Brig. Gen. Benliner Capili, ang pagpapaigting ng Police visibility at pagbabantay sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad sa CAMANAVA area.
May pakikipag-ugnayan din ang pulisya sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang maiwasan ang anumang insidente.
Pinapayuhan ng heneral ang publiko na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga pulis at agad ireport ang anumang kahina-
hinalang aktibidad.
Layunin nitong matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa paggunita sa kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio.