Sinopla ng Department of National Defense (DND) ang pagkuwesyon ng Chinese Embassy sa Maynila hinggil sa iginawad na tulong pangseguridad ng Japan sa Pilipinas.
Ayon kay DND Spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong, Pilipinas lamang ang makapagpapasya kung aling bansa ang ituturing nitong “partners” at kung paano palalakasin ng bansa ang depensa nito.
Giit ni Andolong, ang matinding pagtutol ng Tsina sa mga ipinagkakaloob na kagamitan ng Japan o alinmang bansa sa Pilipinas ay patunay ng kanilang pag-amin ng maling gawain.
Kung tunay na tapat ang China sa pahayag nito na sila’y para sa kapayapaan sa South China Sea, dapat nitong itigil ang paniniil at igalang ang 2016 Arbitral Ruling gayudin ay sumunod sa international laws gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).