Sitwasyon sa Baclaran Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Patuloy ang pagdagsa ng mga kababayan nating nais magsimba sa Baclaran Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay. Kaninang 11:30 am ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga nais magtungo sa naturang simbahan. May mga nakaantabay na Bureau of Fire Protection (BFP) na nag-iikot sa buong vicinity ng Baclaran Church kung sakaling may himatayin… Continue reading Sitwasyon sa Baclaran Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Diwa ng Araw ng Kagitingan, panatilihing buhay sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa at pagharap sa mga hamon ng buhay -Speaker Romualdez

Kasabay ng paggunita sa ika-81 Araw ng Kagitingan, hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino na patuloy na lumaban at magkaisa para sa bayan. Sa kaniyang Day of Valor message, sinabi ni Romualdez na hindi dapat makalimot ang bayan sa sakripisyo ng ating mga bayani na inialay ang buhay upang labanan ang mananakop… Continue reading Diwa ng Araw ng Kagitingan, panatilihing buhay sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa at pagharap sa mga hamon ng buhay -Speaker Romualdez

Bilang ng airline passengers na naserbisyuhan ng NAIA, umabot na sa mahigit 10-M sa unang quarter ng 2023 ayon sa MIAA

Tumaas ang bilang ng airline passengers na naserbisyuhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ngayong unang quarter ng 2023. Ito’y matapos maitala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nasa mahigit 10.8-M airline passengers sa unang tatlong buwan ng taon na mas mataas ng 158% noong 2022 na umabot lamang sa mahigit 4.2-M sa… Continue reading Bilang ng airline passengers na naserbisyuhan ng NAIA, umabot na sa mahigit 10-M sa unang quarter ng 2023 ayon sa MIAA

MIAA, pinapurihan ang mga ginagawang hakbang ng airline companies dahil sa on-time performance nitong Holy Week exodus

Pinapurihan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang airline companies sa bansa na nakapagtala ng high on-time performance nitong Holy Week exodus. Ayon kay MIAA General Manager Cesar Choing, na ito’y sa kabila ng walang napaulat na anumang flight cancelations nitong nagdaang Miyerkules at Huwebes Santo kung saan wala ring naitalang airport congestion sa lahat… Continue reading MIAA, pinapurihan ang mga ginagawang hakbang ng airline companies dahil sa on-time performance nitong Holy Week exodus

Sitwasyon sa Quiapo Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Patuloy ang pagdagsa ng mga kababayan nating magsisimba sa Quiapo Church ngayong umaga bilang padiriwang sa Easter Sunday. Puno na ang harap ng Plaza Miranda at sa may Quezon Boulevard dahil sa dami ng tao nais mag simba ngayong Linggo ng Pagkabuhay. Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng seguridad ng Plaza Miranda Police… Continue reading Sitwasyon sa Quiapo Church ngayong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay

Libo-libong Katolikong deboto sa lungsod ng Zamboanga, nakiisa sa prusisyon ng Santo Entierro

Nakiisa ang libo-libong mga Zamboangueño sa prusisyon ng Santo Entierro na ginanap sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Zamboanga bilang bahagi ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon. Tinatayang aabot sa mahigit 12,000 mga deboto base sa datos na nakalap ng kapulisan ang nakilahok sa prusisyon sa Brgy. Tetuan na inorganisa ng Tetuan Parish… Continue reading Libo-libong Katolikong deboto sa lungsod ng Zamboanga, nakiisa sa prusisyon ng Santo Entierro

Lalaki, nalunod sa ilog Chico sa Kalinga

Isang lalaki ang namatay dahil sa pagkalunod nito kahapon ng hapon  sa ilog chico sa  Dalimuno Bantay, Tabuk City ,Kalinga. Ang biktima ay kinilalang si Jefferson Logoy Dugayon, 39 taong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Lucog, Pinagan, Tabuk City ,Kalinga. Ayon kay PNP Information Officer P/Capt.  Ruff Manganip ng Kalinga Police Provl.… Continue reading Lalaki, nalunod sa ilog Chico sa Kalinga

Buhusan Festival 2023 sa Linggo ng Pagkabuhay, pinaghandaan ng LGU Lucban, Quezon

Pinaghandaan ng Pamahalaang Bayan ng Lucban, Quezon ang Buhusan Festival 2023 na isasagawa bukas, Linggo ng Pagkabuhay. Ayon sa pabatid ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), isang entry point at isang exit point ang itinalaga para sa mga tao, samantalang hindi naman maaaring pumasok ang mga sasakyan. Sasaraduhan din para sa mga… Continue reading Buhusan Festival 2023 sa Linggo ng Pagkabuhay, pinaghandaan ng LGU Lucban, Quezon

Lalaki, patay matapos malunod sa isang ilog sa Santa Ana, Cagayan

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang lalaking nalunod sa Ilog Mariting-riting sa Barangay Sta. Clara, sa bayan ng Santa Ana, Cagayan. Base sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Santa Ana, nakilala ang biktima na si Jonel Agcaoili, 52 anyos, na residente ng barangay Kapanickian sa nasabing bayan. Nabatid na isang binata… Continue reading Lalaki, patay matapos malunod sa isang ilog sa Santa Ana, Cagayan

Binata, nasagip mula sa muntikang pagkalunod sa Abulug, Cagayan

Nasa maayos nang kalagayan ang isang binata matapos mailigtas mula sa muntikang pagkalunod sa dagat sa bahagi ng Abulug, Cagayan kahapon, Abril 7, 2023. Nabatid na kasalukuyan ang baywatch patrol ng mga tauhan ng Deployable Response Group ng Coast Guard Sub-Station Aparri (CGSS) Aparri West, kasama ang CGS Cagayan, Abulug Rescue Team, PNP Abulug at… Continue reading Binata, nasagip mula sa muntikang pagkalunod sa Abulug, Cagayan