Send-off ceremony para sa security contingent, isinagawa sa NAIA

Nagsagawa ng send-off ceremony ang MIAA sa NAIA. Ito ay para sa ‘Oplan Ligtas Biyahe 2023’ ngayong Semana Santa. Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong umaasa sila na magiging matiwasay ang sitwasyon sa mga susunod na araw. Mula sa iba’t ibang unit ng pamahalaan ang magbibigay seguridad sa paliparan kabilang na ang Aviation Security… Continue reading Send-off ceremony para sa security contingent, isinagawa sa NAIA

Mga nagsasagawa ng ‘illegal quarrying’ sa Rodriguez, Rizal, inaresto ng NBI

14 na katao na sangkot sa illegal quarrying operations sa lalawigan ng Rodriguez, Rizal ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation. Sa ulat ng NBI – Environmental Crimes Division, ang mga hinuli ay mga tauhan ng RODROCK AGGREGATES CORPORATIONS na umano’y nagsasagawa ng illegal quarrying activities sa lalawigan sa kabila ng Stoppage… Continue reading Mga nagsasagawa ng ‘illegal quarrying’ sa Rodriguez, Rizal, inaresto ng NBI

Pagsisimula ng Balikatan Exercise sa susunod na Linggo, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines at United States Military ang pagsisimula ng Balikatan joint military exercise sa susunod na linggo. Ang pinagsanib na ehersisyo na pinakamalaki sa kasaysayan ng dalawang bansa ay lalahukan ng 5,400 tauhan ng AFP at 12,200 Amerikanong sundalo simula sa Abril 11 hanggang Abril 28.… Continue reading Pagsisimula ng Balikatan Exercise sa susunod na Linggo, pinaghahandaan na

200 drivers, konduktor sa Davao City, isinailalim sa surprise drug test

Isinailalim sa surprise drug test ang nasa 200 drivers at konduktor sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) bilang bahagi ng Oplan Harabas at paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holy Week. Maliban sa drug test, ininspeksyon rin ang mga Public Utility Bus (PUB) upang masiguro na nasa mabuti ang kondisyon ng mga… Continue reading 200 drivers, konduktor sa Davao City, isinailalim sa surprise drug test

PNP, pinaiiwas sa ‘real time posting’ sa social media ang mga bakasyunista ngayong Semana Santa

Pinapayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasan na muna ang real time na pagpo-post sa social media kaugnay sa kanilang bakasyon, ngayong Semana Santa. Paalala ito ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo upang makaiwas ang publiko sa mga mananamantala sa pagiging abala o pagbiyahe ng malayo at matagal ngayong Holy Week. Sa… Continue reading PNP, pinaiiwas sa ‘real time posting’ sa social media ang mga bakasyunista ngayong Semana Santa

Rightsizing Program, tinalakay sa isinagawang sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr.

Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isinagawang sectoral meeting ngayong umaga. Agenda ng isinagawang cluster meeting ang patungkol sa rightsizing program ng pamahalaan. Kabilang sa sectoral meeting na pinangunahan ng Pangulo ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Press Secretary Cheloy Garafil, DBM Undersecretary Wilford Will Wong… Continue reading Rightsizing Program, tinalakay sa isinagawang sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr.

‘Zero Crime’ ngayong Semana Santa, pinatitiyak ng alkalde ng Caloocan

Inatasan na ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Caloocan City Police Station (CCPS) na paigtingin ang seguridad sa lungsod ngayong panahon ng Semana Santa. Ayon kay Caloocan Mayor Malapitan, target nito ang makamit ang zero crime rate sa buong lungsod. Kaya naman, mahigpit ang direktiba nito na paigtingin ang police visibility, lalo… Continue reading ‘Zero Crime’ ngayong Semana Santa, pinatitiyak ng alkalde ng Caloocan

Menor de Edad na suspek sa sexual exploitation ng isa pang Menor de Edad

Inaresto ng mga taunan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang 16 na taong gulang na suspek na si alyas “Kevin Dump”, sa tangkang “sexual exploitation” ng 13 taong gulang na biktima. Nahuli ang suspek sa entrapment operation sa NCMH Compound, Camaro, Caloocan City kahapon, ng Northern District Anti Cybercrime Team (NDACT) sa pangunguna ni PCapt.… Continue reading Menor de Edad na suspek sa sexual exploitation ng isa pang Menor de Edad

Paglikha ng ₱10-B assistance fund para sa indigent cancer patients, ipinanukala

Ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte at dalawa pang lawmakers ang paglikha ng P10 billion assistance fund para sa indigent cancer patients. Sa ilalim na House Bill 7687 na inakda ni Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap, palalakasin nito ang kasalukuyang cancer assistance fund sa… Continue reading Paglikha ng ₱10-B assistance fund para sa indigent cancer patients, ipinanukala

Higit 100 bagong Traffic Enforcers, handa nang i-deploy ng QC gov’t

Aabot sa 106 na bagong traffic enforcers ang nadagdag sa pwersa ngayon ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) na magpapatupad ng batas trapiko sa lungsod. Kasunod ito ng isinagawang commencement exercises ng Class Mapagbigay, Class Malingap at Class Masinop na pinangunahan ni Traffic and Transport Management Department (TTMD) Chief Dexter Cardenas at Assistant… Continue reading Higit 100 bagong Traffic Enforcers, handa nang i-deploy ng QC gov’t