Nabalahaw na tren ng PNR, naibalik na sa riles

Ganap nang naibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng Philippine National Railways (PNR) na nasa pagitan ng Dela Rosa at EDSA Stations. Ayon kay PNR General Manager Jeremy Regino, matagumpay na naibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive sa tulong ng isang crane na siyang ginamit para mabuhat ito. Magkakatuwang ang mga tauhan ng… Continue reading Nabalahaw na tren ng PNR, naibalik na sa riles

Siphoning o paghigop sa mga natitirang langis sa M/T Princess Empress, posibleng abutin ng 2 buwan — OCD

Inaasahang tatagal ng hanggang dalawang buwan ang gagawing siphoning o paghigop sa mga natitirang langis na nasa loob ng mga tangke ng lumubog na Motor Tanker o M/T Princess Empress, sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro. Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Undercsecretary Ariel Nepomuceno sa isinagawang pulong balitaan ukol… Continue reading Siphoning o paghigop sa mga natitirang langis sa M/T Princess Empress, posibleng abutin ng 2 buwan — OCD

DFA, tiniyak na hindi magagamit ang EDCA sites sa gulo sa Taiwan

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi magagamit ng Estados Unidos ang mga pasilidad sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sakaling sumiklab ang military conflict sa Taiwan. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, natanong ni Committee Chairperson Senador Imee Marcos si manalo kung sa ilalim ba ng kasunduan… Continue reading DFA, tiniyak na hindi magagamit ang EDCA sites sa gulo sa Taiwan

Negros Oriental Rep. Arnie Teves, labas-pasok sa South Korea at Cambodia — DOJ

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pabalik-balik sa bansang Cambodia at South Korea si Negros Oriental Representative Arnie Teves. Sabi ni Remulla, may nakuha siyang reliable information na labas pasok sa dalawang bansa ang mambabatas bilang paraan ng kanyang pagtatago. Noong Lunes, ibinunyag ni Sen. Joel Villanueva, na nakita umano ng isa niyang… Continue reading Negros Oriental Rep. Arnie Teves, labas-pasok sa South Korea at Cambodia — DOJ

Payo ni Gen. Azurin sa kanyang kapalit: Maging matibay at matatag

Pinayuhan ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang magiging susunod na PNP Chief, na maging matibay at matatag. Ang pahayag ay ginawa ni Azurin sa ambush interview sa Camp Crame, ilang araw bago siya magretiro sa serbisyo sa darating na Lunes, Abril 24. Ayon kay Gen. Azurin, kung nais… Continue reading Payo ni Gen. Azurin sa kanyang kapalit: Maging matibay at matatag

LTO, paiiralin muna ang paggamit ng papel na driver’s license

Wala pang linaw kung hanggang kailan masusolusyunan ang kakulangan ng suplay ng plastic card para sa paggawa ng driver’s license. Ito ang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade sa pulong balitaan, kanina. Sa panig ng LTO, sinabi ni Tugade, na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa Department of Transportation kaugnay sa… Continue reading LTO, paiiralin muna ang paggamit ng papel na driver’s license

Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa natanggap na mataas na performance at trust rating sa survey ng OCTA Research

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tiwalang ipinagkakaloob ng mga Pilipino sa Marcos-Duterte Administration. Pahayag ito ng pangulo, makaraang makakuha ng 80 percent performance rating at 83 percent trust rating mula sa mga Pilipino sa pinakahuling survey ng OCTA research. Sa kaparehong survey, si Vice President Sara Duterte ay nakakuha ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpasalamat sa natanggap na mataas na performance at trust rating sa survey ng OCTA Research

Pasig River Ferry Service, mananatiling operational bukas kasabay ng Eid’l Fitr

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tuloy ang operasyon ng Pasig River Ferry Service bukas, Abril 21. Ito ay kahit pa idineklarang regular holiday ang nasabing araw para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o Feast of Sacrifice ng mga kapatid sa relihiyong Islam. Dahil diyan, mananatiling bukas at operational ang Pasig River Ferry… Continue reading Pasig River Ferry Service, mananatiling operational bukas kasabay ng Eid’l Fitr

Speaker Romualdez, nagkaroon ng pagkakataong makaharap ang US counterpart

Maituturing na historic at mabunga ang naging pulong sa pagitan ni House Speaker Martin Romualdez at US Speaker Kevin McCarthy. Makasaysayan aniya ito, dahil ito unang beses na nagkadiyalogo ang House Speakers ng dalawang bansa matapos ang ilang taon. Produktibo din aniya ito lalo at napagtibay ang relasyon ng dalawang bansa, lalo na pagdating sa… Continue reading Speaker Romualdez, nagkaroon ng pagkakataong makaharap ang US counterpart

Mga substation sa North Luzon, in-upgrade ng NGCP

Pinasigla na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga bagong power transformer nito sa ilang substation sa North Luzon. Ayon sa NGCP, ito ay bahagi ng second stage ng North Luzon Substation Upgrading Project nito na layong mapabuti pa ang mga serbisyo ng paghahatid ng kuryente. Noong Pebrero, pinasigla ng NGCP ang… Continue reading Mga substation sa North Luzon, in-upgrade ng NGCP