LRT-2, magbibigay ng libreng sakay para sa mga atleta at delagado ng Palarong Pambansa 2023

Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magbibigay ito libreng sakay sa LRT-2 para sa mga atleta at delegado ng Palarong Pambansa 2023. Ito ay bilang suporta ng LRTA sa naturang patimpalak. Kabilang sa mabebenepisyuhan ng libreng sakay ang mga athlete, coach at trainer, national at local committee member, volunteer, technical worker,… Continue reading LRT-2, magbibigay ng libreng sakay para sa mga atleta at delagado ng Palarong Pambansa 2023

Pinsala sa pananim ag irrigation infrastructures, pumalo na sa Php 3.520-Billion

Nakapagtala na ng inisyal na Php 3.520-billion ang pinsala sa pananim at irrigation infrastructures ang National Irrigation Administration dulot ng bagyong #EgayPH. Hanggang ngayong araw, kabuuang 69,432 magsasaka ang apektado at 43,875.55 ektarya ng agricultural lands sa buong bansa ang napinsala. Base sa Situational Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 13… Continue reading Pinsala sa pananim ag irrigation infrastructures, pumalo na sa Php 3.520-Billion

DSWD, nagpadala pa ng karagdagang resource augmentation assistance sa LGUs na sinalanta ng Egay at Habagat

Nagpaabot pa ng mahigit Php112 milyon na resource augmentation assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) na apektado ng Super Typhoon #EgayPH at Habagat. Ang tulong ng DSWD ay nasa anyo ng family food packs (FFP) at non-food items, gayundin ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to… Continue reading DSWD, nagpadala pa ng karagdagang resource augmentation assistance sa LGUs na sinalanta ng Egay at Habagat

MECO, inalis na ang appointment system para sa mga serbisyo nito

Inalis na ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang appointment system para sa lahat ng serbiyso para sa mga Filipino nationals, Taiwanese employers, investors, at mga turista. Sa isang advisory, simula bukas August 1 ay hindi na kailangan na mag-set ng appointment ang mga mag-aavail ng kanilang serbisyo, kabilang na ang mga pupunta sa… Continue reading MECO, inalis na ang appointment system para sa mga serbisyo nito

17 kalsada sa Luzon na apektado ng mga pag-ulang dala ng habagat, hindi pa rin madaanan ayon sa DPWH

Patuloy pa ring sinisikap ng Department of Public Works and Highways o DPWH na mabuksan sa daloy ng trapiko ang may 17 road section sa 4 na rehiyon sa bansa matapos hindi madaanan dahil sa pinagsanib na epekto ng habagat at bagyong Egay. Batay sa ulat ng DPWH kaninang alas-12:00 ng tanghali, nasa 43 mga… Continue reading 17 kalsada sa Luzon na apektado ng mga pag-ulang dala ng habagat, hindi pa rin madaanan ayon sa DPWH

NCCA, handang umalalay sa mga organisasyong nais magpasa ng proposal project para sa 2024 Competitive Grants

“Huwag masindak sa mga requirements,” iyan ang binigyang-diin ni Patri Migel Santos, Project Officer ng Cultural Dissemination Section Mula sa National Commission on Culture and the Arts (NCCA). Sa isinagawang Press Conference ng NCCA Competitive Grants ay nabatid na kaunti ang mga project proposals na nanggagaling mula sa Pangasinan para sa kanilang Competitive Grants. Naganap… Continue reading NCCA, handang umalalay sa mga organisasyong nais magpasa ng proposal project para sa 2024 Competitive Grants

1st Mayor Kerkhar Tan Rescue Challenge 2023, matagumpay na naisagawa sa Bayan ng Jolo

Matagumpay na naisagawa ang 1st Mayor Kerkhar Tan Rescue Challenge sa bayan ng Jolo sa harap ng himpilan ng pulisya sa barangay Walled City, Jolo, Sulu kahapon. Ayon kay Lincoln Tulawie, Assistant Municipal Planning Development Coordinator at Information Officer ng Jolo, kaugnay ito sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month 2023 kung saan mayroon mandato… Continue reading 1st Mayor Kerkhar Tan Rescue Challenge 2023, matagumpay na naisagawa sa Bayan ng Jolo

Mga magpopositibo sa COVID-19, kailangan pa ring i-isolate ayon sa DOH

Nananatili ang rekumendasyon ng Department of Health (DOH) na mag-isolate ang mga magpopositibo pa rin sa COVID-19. Ito’y kahit pa ganap nang inalis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang State of Public Health Emergency dahil sa pandemya. Kasabay nito, naglabas ng updated rules ang DOH para sa isolation at pagsusuot ng mask para sa… Continue reading Mga magpopositibo sa COVID-19, kailangan pa ring i-isolate ayon sa DOH

Dalawang senador, naghain na ng resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang paglubog ng bangka sa Laguna Lake

Dalawang senador na ang naghain ng resolusyon para magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa nangyaring pagtaob ng bangkang MB Aya Express sa Laguna Lake sa bahagi ng Binangonan, Rizal na ikinasawi ng 27 katao. Inihain ni Senate Committee on Public Services chairperson Senadora Grace Poe ang Senate Resolution 704 para matukoy ang accountability sa insidenteng… Continue reading Dalawang senador, naghain na ng resolusyon para maimbestigahan sa Senado ang paglubog ng bangka sa Laguna Lake

Paghirang ng Pangulo kay Lt. Gen. Roy Galido bilang bagong Phil. Army Chief, malugod na tinanggap ng DND

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang paghirang ng Pangulo kay Lt. General Roy Galido bilang ika-66 na Commanding General ng Philippine Army. Sa isang statement na inilabas ni DND spokesperson Dir. Arsenio Andolong, nagpahayag ng kumpiyansa ang DND na sa pamumuno ni Lt. Gen. Galido ay maisusulong ng Philippine Army ang… Continue reading Paghirang ng Pangulo kay Lt. Gen. Roy Galido bilang bagong Phil. Army Chief, malugod na tinanggap ng DND