5 patay, 11 sugatan sa mga insidente ng pamamaril sa BARMM

Nasa 5 ang nasawi at 11 ang sugatan sa 6 na insidente ng pamamaril sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong araw. Ito ang iniulat ni Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Police Brig. Gen. Allan Nobleza kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda sa pulong balitaan sa Camp Crame… Continue reading 5 patay, 11 sugatan sa mga insidente ng pamamaril sa BARMM

Isang barangay kagawad at CAFGU, patay sa pamamaril sa Lamitan City, Basilan

Patay ang isang barangay kagawad at ang suspek sa pamamaril na isang kasapi ng CAFGU sa Barangay Luksumbang, Lamitan sa probinsya ng Basilan kaninang hapon. Dead on the spot ang reelectionist kagawad na kinilala bilang si Antataha Nadjuwal matapos siyang barilin ng isang CAFGU member na kinilala bilang si Euiliano Costodio Enrique na nasawi din… Continue reading Isang barangay kagawad at CAFGU, patay sa pamamaril sa Lamitan City, Basilan

Bilangan sa Barangay Pasong Tamo, nagpapatuloy pa

Halos nangangalahati pa lang ang pagbibilang ng boto sa Barangay Pasong Tamo na naging automated ang election bago pa makapagroklama ang barangay electoral board ng mga nanalo sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Mayroong 133 na polling precints na kailangang bilangin mula sa Pasong Tamo Elementary School, Judge Feliciano Belmonte Senior High… Continue reading Bilangan sa Barangay Pasong Tamo, nagpapatuloy pa

Asawa ng tumatakbong Punong Barangay sa Davao City, nakatanggap ng pagbabanta mula sa di kilalang suspect

Nakatanggap ng pagbabanta ang asawa ng tumatakbong Punong Barangay sa Vicente Hizon, Davao City kaninang umaga, kasabay ng pagbubukas ng botohan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa report ng Davao City Police Office, inilahad dito na nakatanggap ng isang package ang asawa ni Punong Barangay aspirant Ralph Abella na si incumbent Second District… Continue reading Asawa ng tumatakbong Punong Barangay sa Davao City, nakatanggap ng pagbabanta mula sa di kilalang suspect

Higit 100 PDL registered voters sa Quezon City Jail, ‘di nakaboto

Hindi nagawang makaboto ang 130 Persons Deprived of Liberty (PDL) registered voters sa Quezon City Jail Male Dormitory, sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE). Ilan sa mga rason ayon kay City Warden Jail Superintendent Michelle Ng Bonto,  ay dahil may ilan ang sumasailalim sa PTB treatment sa isolation cells at hospital confinement. Habang… Continue reading Higit 100 PDL registered voters sa Quezon City Jail, ‘di nakaboto

Kandidato na kagawad at anak, sugatan sa pamamaril sa Ilocos Sur

Kinumpirma ni Police Major Henry Garcia, Chief of Police sa Santiago Municipal Police Station ang nangyaring pamamaril sa mag-ama sa Brgy. Butol, Santiago, Ilocos Sur. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Laoag kay Major Garcia, sinabi nito na ang binaril na ama ay isang incumbent Barangay Chairman ng naturang lugar ngunit kandidato bilang Barangay Kagawad. Aniya,… Continue reading Kandidato na kagawad at anak, sugatan sa pamamaril sa Ilocos Sur

BSKE 2023, naging maayos sa kabuuan — COMELEC

Maituturing na generally peaceful ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ngayong araw (October 30), kahit pa may ilang mga insidente ng panggugulo ang naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa.  Kabilang na dito ang pagpupunit ng balota ng ilang indibiwal sa dalawang presinto sa Puerto Princesa, maging ang insidente ng panununtok sa police officer… Continue reading BSKE 2023, naging maayos sa kabuuan — COMELEC

BSK Elections sa Iloilo City, generally peaceful – Iloilo City Police Office

Generally peaceful ang pagdaraos ng barangay at SK elections (BSKE) sa Iloilo City. Ito ang assessment ng Iloilo City Police Office (ICPO) sa pagsara ng botohan alas 3 kaninang hapon. Ayon kay ICPO Director Joeresty Coronica, wala silang naitalang election-related violence sa lungsod sa araw ng botohan. May mga natanggap silang report ng tensyon sa… Continue reading BSK Elections sa Iloilo City, generally peaceful – Iloilo City Police Office

44 inaresto ng NCRPO dahil sa election-related offenses sa Metro Manila

Inulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na 44 na indibidwal na ang naaresto sa Metro Manila dahil sa election-related offenses hanggang kaninang alas-3 ng hapon. Nasa 33 sa mga ito ang naaresto sa paglabag sa 2-araw na liquor ban, na sinimulang ipatupad kahapon ng hatinggabi hanggang ngayong araw, kaugnay ng Barangay at Sanguniang… Continue reading 44 inaresto ng NCRPO dahil sa election-related offenses sa Metro Manila

May 10 Polling Centers sa QC, nakapagtala ng maraming botante na hindi nakaboto

Humigit kumulang 1,670 registered voters ang hindi nakaboto mula sa 10 polling centers sa Lungsod Quezon. Ayon sa Quezon City Police District Election Monitoring Action Center, inabutan ng pagsasara ng polling precints ang mga botante dakong alas-3 ng hapon. Ang polling centers ay kinabibilangan ng Tandang Sora Elementary School, Placido Del Mundo Elwmentary School,Ismael Mathay… Continue reading May 10 Polling Centers sa QC, nakapagtala ng maraming botante na hindi nakaboto