Patuloy na isinusulong ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ang pagbibigay ng sariling tahanan sa mga Pilipino matapos i-turnover ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pag-IBIG Fund ang mga house-and-lot units sa Nuvista Homes Lipa, Batangas.
Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling at Pag-IBIG CEO Marilene C. Acosta ang turnover ng mga unit para sa mga benepisyaryong kumuha ng housing loan. Layunin ng programa na gawing mas abot-kaya at mas madaling ma-access ang homeownership para sa mga Pilipinong manggagawa.
Ayon sa mga opisyal, patuloy ang pagpapalawak ng Expanded 4PH sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pakikipagtulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang mapabilis ang paglalaan ng ligtas at dekalidad na pabahay.
Kasabay nito, pinalalakas din ng Pag-IBIG Fund ang housing loan programs nito upang mas maraming pamilya mula sa iba’t ibang antas ng kita ang magkaroon ng pagkakataong makabili ng sariling bahay.