Negros Occidental Rep. Ledesma, nais ideklarang persona non-grata si Senate President Cayetano
Hiniling ni Negros Occidental Congressman Julio “Jules” Ledesma IV sa mga LGU ng unang distrito na ideklara bilang persona non-grata si Senate President Alan Peter Cayetano.
Sa kanyang social media post, binanggit ni Ledesma na kahihiyan umano para sa Mababang Kapulungan ang nangyayari sa Senado, lalo na’t si Cayetano ay dating miyembro rin ng Kamara.
Ginawa ang pahayag habang patuloy ang pagtanggi ni Cayetano na bumaba sa posisyon bilang Senate President, matapos siyang maluklok sa pamamagitan ng isang kudeta.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkatensyon ang magkasabay na si Cayetano at ang Kamara. Noong 2020, tumanggi rin si Cayetano na bumaba bilang Speaker of the House, na nagresulta sa paglilipat kay dating Congressman Lord Allan Velasco. | ulat ni Melany Reyes