Bandang 8:20 ng umaga, dumating na sa Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada, at tatlo pa niyang kapwa akusado sa kasong graft at plunder na may kaugnayan sa umano’y mahigit kalahating bilyong pisong kickback mula sa iba’t ibang proyekto ng DPWH.
Dinala si Estrada mula sa New Quezon City Jail–Male Dormitory sa Payatas, kasama ang mga kapwa detainee na sina sina DPWH-NCR Assistant District Engineer Denryl Caesar Sanchez Cortuna, at mga District Engineer na sina Manny Bumagat Bulusan at Arturo Lombres Gonzales Jr.
Mahigpit ang naging pagbabantay ng mga tauhan ng BJMP sa senador.
Gaya naman ng ibang PDLs, nakasuot si Estrada ng dilaw na detainee shirt at nakaposas nang dumating sa korte.
Dumiretso ito sa ikalawang palapag ng Sandiganbayan kung saan naroon ang 5th Division courtroom.
Sa mga oras na ito, wala pang impormasyon kung parating na rin si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Ngayong umaga, nakaiskedyul ang arraignment ng mga ito kung saan itatala ng korte ang plea na guily o not guilty. | ulat ni Merry Ann Bastasa