Umapela ang World Health Organization (WHO) sa iba’t ibang mga bansa na huwag magpatupad ng border closure at mahigpit na travel restrictions sa bansang Congo, bunsod ng nararanasang Ebola outbreak doon.
Ayon kay WHO Spokesperson Christian Lindmeier, imbes kasi na makatulong sa pag-contain ng sakit ay magiging pahirap pa ito upang agad na maka-responde ang mga health workers at organization.
Ang mahalagang matutukan sa ngayon ay ang surveillance, early detection at mga posibleng exit screenings upang hindi na kumalat pa ang Ebola virus. | ulat ni Ephraim Gaytos