House of Representives of the Philippines
Nanawagan si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ng maagap na paghahanda upang maprotektahan ang mga magsasaka, mangingisda, at ang suplay ng pagkain ng bansa laban sa posibleng epekto ng nagbabadyang El Niño.
Ang pahayag ni Speaker Dy ay kasunod ng pagpupulong ng House Committee on Agriculture and Food para sa paghahanda ng bansa.
Diin ng house leader, kailangan manatiling nakaalerto ang goberno sa nakambang matagal na tagtuyot dahil sa epekto nito sa agricultural production at food security.
Importante anya na maging proactive para maprotektahan ang mga magsasaka at mangingisda.
Pinangunahan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang pagpupulong ng House Agriculture panel noong Miyerkules, na nakatuon sa mga plano at programa ng Task Force El Niño ng pamahalaan upang mabawasan ang posibleng pinsala ng climate change sa agrikultura at sektor ng pangingisda.
Binanggit ni Enverga na ang Task Force El Niño, ay muling inactivate sa pamamagitan ng Executive Order No. 53 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Inaatasan ang pagbuo ng komprehensibong plano para sa kahandaan sa kalamidad at rehabilitasyon, pati na rin ang koordinasyon ng mga hakbang upang palakasin ang kakayahan ng mga komunidad na harapin ang epekto ng El Niño. | ulat ni Melany Reyes