Itinuturing ng Malacañang na magandang balita para sa pamilyang Pilipino ang pagbagal ng inflation nitong Mayo sa 6.8%.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, senyales ito ng unti- unti nang nabubunga ang mga hakbang ng pamahalaan sa ilalim ng UPLIFT strategy.
“Ang pagbaba ng inflation sa 6.8% nitong Mayo ay magandang balita para sa mga pamilyang Pilipino. Senyales ito na unti-unti nang nagbubunga ang mga hakbang ng pamahalaan sa ilalim ng UPLIFT strategy.” —PCO Usec Claire Castro.
Gayunpaman, hindi aniya magpapaka-kampante ang pamahalaan.
Batid ng gobyerno na mayroon pa ring dapat paghandaan ang Pilipinas, tulad ng posibleng pagtaas ng presyo ng langis, at epekto ng El Niño.
Dahil dito, magtutuloy – tuloy aniya ang mga hakbang ng gobyerno, upang mapanatiling abot-kaya ang mga bilihin, maprotektahan ang pondo ng bawat pamilya, at makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
“Pero hindi pa tayo kampante. May mga banta pa rin tulad ng posibleng pagtaas ng presyo ng langis at epekto ng El Niño. Kaya tuloy-tuloy ang ating mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang mga bilihin, maprotektahan ang budget ng bawat pamilya, at makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.” —PCO Usec Claire Castro. | ulat ni Racquel Bayan