Tiniyak din ng Speaker Faustino ” Bojie” Dy III na handa ang House of Representatives na suportahan ang emergency response at recovery efforts sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.
Ayon kay Dy, nakikiisa ang Kamara sa mga kababayan sa Mindanao at handang tumulong sa mga hakbang upang makabangon ang mga komunidad.
Nanawagan din siya sa pamahalaan ng agarang aksyon matapos ang magnitude 7.8 na pagyanig na nagdulot ng tsunami warnings sa malaking bahagi ng Mindanao.
Hinimok ng House leader ang mga residente, lalo na sa baybaying-dagat, na mahigpit na sundin ang evacuation at advisories.
Hinihikayat din niya ang mga lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno na mabilis na tumugon at maghatid ng tulong.
Pinuri ni Dy ang agarang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng kaugnay na ahensya na kumilos agad upang matugunan ang sitwasyon. | ulat ni Melany Reyes