Naka-full alert na ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na kailangang tumugon sa nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa Saranggani.
Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na agad na i-mobilize ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para magbigay tulong sa mga apektadong lugar at pamilya.
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Junie Castillo na inaasahan sa mga opsiyal ng pamahalaan mula regional hanggang sa national offices na makita sa kanilang rapid damage needs assessment kung ano ang mga pangangailangan sa kanilang nasasakupan para makapag-paabot agad ng tulong.
May mga imprastratura din ng pamahalaan at pasilidad na napaulat na nasira dahil sa lindol partikular na ang General Santos International Airport habang inaalam pa yung ibang mga naapektuhang opisina ng gobyerno.
Nakapagtala rin ng 47 na imprastraturang napinsala sa Region 11 at Region 12 habang dalawang bahay ang nasira batay sa inisyal na impormasyon.
Nagpaalala naman ang OCD sa publiko na manatiling mag-ingat at maging alerto dahil inaasahan ang mga aftershocks at hindi pa ibinababa ang tsunami alert.
Narito ang bahagi ng pahayag ni OCD Spokes Junnie Castillo. | ulat ni Diane Lear