Agad nagsagawa ng pulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ngayong araw.
Kasunod ito ng pagtama ng Magnitude 7.8 na lindol sa Maasim, Sarangani, kaninang umaga.
Kasama sa pagpupulong ang mga opisyal ng Department of National Defense (DND) at Office of Civil Defense.
Dito, agad na tinalakay ang mga hakbang o response operations para sa epekto ng lindol sa lalawigan.
Inihanda na rin ang posibleng deployment ng mga response team mula sa national government.
Nakatakdang magtungo si Office of Civil Defense (OCD) Administrator, USec. Harold Cabreros sa General Santos City.
Layon nito na tiyakin ang mabilis na koordinasyon at paghatid ng tulong sa mga apektadong lugar.