Aabot sa limang electric cooperatives sa pitong lalawigan sa Mindanao ang nakaranas ng power interruption kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Sarangani, ayon sa National Electrification Administration (NEA).
Batay sa pinakahuling monitoring ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department, tatlo sa mga apektadong electric cooperatives ang nakararanas pa rin ng bahagyang pagkawala ng kuryente habang dalawa ang nakabalik na sa normal na operasyon.
Sa kasalukuyan, naibalik na rin ang serbisyo ng kuryente sa 57 sa 70 apektadong munisipalidad, o katumbas ng 81.3% ng mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Patuloy naman ang restoration efforts para sa mahigit 289,000 consumer connections na nananatiling apektado ng power interruption.