Hindi lang banta sa seguridad ng Senado ang impormasyong ibinahagi ni NBI Director Melvin Matibag.
Ayon kay Senator Ping Lacson, bagamat sketchy at raw o hilaw pa ang impormasyong binahagi sa kanila, sinasabing umakyat hanggang sa battalion at regional level ang antas ng frustrations o pagkadismaya ng mga nasa armed services sa mga nagaganap na kaguluhan sa Senado at sa ilan pang mga isyu.
Bukod sa isyu ng Senado, dismayado na rin aniya ang mga ito sa isyu ng flood control, inflation at presyo ng produktong petrolyo.
Kaya naman sinabi ni Lacson na masusing binabantayan ng mga otoridad ang mga developments sa krisis sa national level na dulot ng maraming factor, mga external at internal factor.
Samantala, sinabi naman ni Senador Vicente Sotto III na seryoso ang banta ayon kay kanilang intelligence report.
Dahil dito, kailangan aniya itong seryosong ikonsidera at paghandaan.
Una nang isiniwalat ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian na may natanggap silang intelligence information na may banta sa seguridad ng senado kaya magpapatupad ng kinakailangang adjustment sa security measures para matiyak ang kaligtasan ng mga senador at mga senate employees at lahat ng nagtutungo sa Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion