Personal na binisita ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Banoy Lopez at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Raul Del Rosario ang General Santos International Airport ngayong araw matapos ang 7.8 magnitude na lindol kahapon
Sinuri ng kalihim ang mga sira sa iba’t ibang bahagi ng paliparan lalo na ang mga kisame na gumuho kahapon
Patuloy naman ang assessment ng CAAP kung magkano ang naging sira sa paliparan at gaano katagal ito bago maayos.
Sa ngayon nananatili pa ring sarado ang paliparan para sa commercial flights at maaari lang magamit ng gobyerno at humanitarian flights para sa relief operations.
📸 DOTr


