Walang sinumang nasaktan o nasugatang Person Deprived of Liberty o PDL sa Davao Prison and Penal Farm matapos ang 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao kahapon.
Ayon kay BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr. base sa kanilang initial assessment lahat ng PDL ay ligtas sa ngayon.
Wala rin umanong kahit anong pinsala sa mga establisyimento sa loob ng kulungan.
Tiniyak naman ng Bureau of Corrections na patuloy ang kanilang preventive measures para maiwasana ng casualties tuwing may lindol katunayan nagsasagawa ang BuCor ng Earthquake Drill at kasama dito ang PDL at mga personnel ng Bucor. | ulat ni Louisa Erispe