Umabot na sa animnaput tatlo 63 ang kabuuang bilang ng mga nakanselang flights sa General Santos City Airport kasunod ng pagtama ng malakas na lindol sa Sarangani.
Ayon sa CAAP sa nasabing bilang ng mga cancelled flights ay mula ngayong araw hangang huwebes June 11.
Kabilang sa mga biyaheng apektado mga biyahe ay patungong cebu to gensan Manila to Gensan, Gensan to Ilo-ilo.
Patuloy naman ang isinasagawang assesment at rehabilitasyon ng CAAP sa nasabing paliparan at mapahangang sa ngayon ay tigil operasyon muna ang nasabing paliparan. | ulat ni Aj Ignacio