Umabot sa mahigit 989 million pesos ang kabuuang natipid sa kuryente dahil sa mga nakiisa sa “Oras Natin” Efficiency program ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Energy sa nasabing halaga ay nakabawas ng nasa 82,423.25 Megawatts ang natipid sa supply ng kuryente sa buong bansa.
Nagpasalamat naman ang Energy Department sa mga lumahok sa nasabing programa at umaasa ito na mas darami pa ang mga establisimyento ay mga kabahayan ang sumalo sa malawakang pagtitipid sa kuryente. | ulat ni Aj Ignacio