Sa utos ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. tiniyak ng Department of Energy(DOE) na nagtutulong-tulong ang pamahalaan kasama ang distribution utilities at generation companies para maibalik na ang kuryente sa mga lugar na wala pa ring kuryente sa ngayon dahil naranasang 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Sa isang press conference, sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na naka-deploy na ang Task Force Kapatid na tumutulong sa pagsasaayos ng mga nasirang linya ng kuryente sa Mindanao.
Nagpadala rin ng karagdagang line workers ang mga electric cooperative katunayan nakarating na sa Mindanao ang 62 personnels, anim na service vehicles at pitong boom trucks na inaayos ngayon ang mga linya ng kuryente.
Giit naman ni Secretary Garin bagamat pinipilit nila na agarang maibalik ang suplay ng kuryente sisiguruhin pa rin nilang ligtas.
Sa ngayon nasa 137,000 household pa ang walang kuryente sa Mindanao.