Pinuntahan kaninang umaga ni DPWH Secretary Vince Dizon ang ginagawang repair works sa Bucana Bridge sa Davao City.
Sa panayam kay DPWH Secretary Dizon mahigpit na bilin ng pangulo na kahit hindi epicenter ng lindol ang Davao Region ay ibibigay ang lahat ng tulong na kinakailangan.
Nakitaan ng minor damage ang Bucana Bridge tulad ng nasirang guard rails at semento na agad namang sinimulang ayusin ng ahensiya.
Layun ng agad na pag sasaayos ng tulay ay upang hindi maaantala ang biyahe ng mga motorista at residente sa Davao City kasunod ng malakas na lindol sa Mindanao. | ulat ni DK Zarate