Rapid damage assessment at monitoring sa mga national road sa Sultan Kudarat, patuloy na isinasagawa ng DPWH
Patuloy na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rapid damage assessment at monitoring sa mga national road sa Sultan Kudarat matapos ang malakas na lindol sa Mindanao.
Ito ay kasunod ng pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Ayon sa DPWH Sultan Kudarat 2nd District Engineering Office, nadaraanan pa rin ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga national road sa Lebak, Kalamansig, Palimbang, Senator Ninoy Aquino, Bagumbayan, at Esperanza. Patuloy ang inspeksyon ng DPWH sa mga kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at ng publiko.