Agad na nagtungo sa Mindanao ang ilang gabinete ng pamahalaan upang tiyakin ang agarang tulong para sa mga biktima ng lindol at mga apektadong residente.
Personal na binisita ni Health Secretary Ted Herbosa ang Malungon Sarangani Provincial Hospital at tiniyak na maasikaso ang lahat ng pasyente.
Ayon sa kalihim, sisiguruhin niya na may sapat na manpower sa mga ospital at may karagdagang mga karelyebo, tulad ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT).
Sa ngayon, nagagamit na ng mga pasyente ang Malungon Sarangani Provincial Hospital, habang ang iba ay nananatili sa mga temporaryong pasilidad upang matiyak ang structural integrity ng mga gusali. Nakapagpadala na rin ng mga truck na may dalang gamot at hygiene kits ang DOH Davao Region at DOH SOCCSKSARGEN bilang bahagi ng suporta sa mga ospital na patuloy na tumutugon sa sitwasyon.