Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI ang mga Family Food Packs (FFPs) na ipapamahagi sa iba’t ibang munisipalidad sa Davao Occidental para sa mga pamilyang naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol.
Target ng pamahalaan na maihatid ngayong araw ang libo-libong food packs sa mga apektadong residente.
Aabot sa mahigit 8,000 FFPs, hygiene kits, family kits, kitchen kits, at sleeping kits ang inihanda ng ahensya para sa mga residente sa bayan ng Malita, Sta Maria at Jose Abad Santos.
Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis at maayos na pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya. | ulat ni Sheila Lisondra-Celocia | Radyo Pilipinas Davao
📷 DSWD XI


