Nakabantay ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ipinatutupad na 60-day price freeze sa mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at iba pa kasunod ng deklarasyon ng state of calamity sa lungsod.
Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, inatasan na nila ang Regional Office ng DTI na tiyakin na hindi gagalaw ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ngayon katatapos lang ng sakuna.
Giit pa ni Roque, awtomatiko na ang price freeze kapag may state of calamity dahil kalimitan tumataas ang demand pero hindi dapat tumaas ang presyo.
Matatandaan na ngayong araw lang idineklarang nasa state of calamity ang GenSan. Kung 60 na araw angprice freeze, tatagal ito hanggang Agosto maliban na lang kung tatanggalin na ang deklarasyon ng lokal na pamahalaan.