Matapos ang 7.8 magnitude na lindol kahapon (June 8), naibalik na ang kuryente sa libu-libong kabahayan sa Mindanao.
Sa isang press conference kasama ng Department of Energy (DOE) sinabi ni National Electrification Administrator Antonio Mariano Almeda na mula sa 388,746 na bahay na nawalan ng kuryente, 201,654 na ang may suplay na ulit ng kuryente.
Dahil dito 60 percent na ng mga consumer ang may kuryente na ulit at nasa 137,000 pa naman ang kailangan pa ulit mabalik ang suplay.
Ayon naman kay Energy Secretary Sharon Garin hindi pa nila matiyak ngayon kung kailan 100 porsyento nang maibabalik ang suplay ng kuryente pero titiyakin nilang magagawa ito sa lalong madaling panahon.
Alinsunod din sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. gagawing ligtas at mabilis ang power restoration sa Mindanao.